Wednesday, May 18, 2022
politiko-politics-ph-logo

Sinayang ni Monsour ang pagkakataon

Apr 11, 2022 @ 9:20

Mukhang palpak mga beshie ang diskarte ng former athlete-turned-actor-turned-politician na si Monsour del Rosario sa ginawang pag-iwan sa kaniyang dating Presidential candidate na si Ping Lacson.

Matapos kasing kumalas si Lacson sa Partido Reporma, nagpaiwan doon ang ilang senatorial candidate gaya nga nitong si Monsour at dating PNP Chief Guillermo Eleazar.

At nang umalis si Lacson para tumakbo pa ring pangulo bilang independent candidate, parang paru-parung lumipad sa bakuran ang Reporma kay Vice President Leni Robredo.

Si Eleazar, kahit naiwan sa Reporma, nagdeklara na si Ping pa rin ang susuportahan niyang presidential candidate at hindi si Robredo. Dahil doon, hinangaan siya ng netizens dahil sa paninindigan at pagtupad sa prinsipyong walang iwanan.

Ito namang si Monsour, aba’y may pa-video message pa na si Robredo na ang susuportahan niyang pangulo at tuluyang tinalikuran si Lacson, na noong una ay puring-puri niya dahil sa malawak na karanasan, tapang at tanging lider na kailangan ng bayan.

Pero kung inaakala siguro ni Monsour na makakasakay siya sa mga “pinklawan” o “kakampink,” mukhang nagkamali siya. Kung pagbabatayan kasi ang mga komento ng netizens, hindi nila gusto ang mga “balimbing.”

Bukod doon, marami ring nagkomento na maka-BBM ang galit din sa kaniya at sinabing sa inidoro pa rin ang bagsak niya. Ang harsh din ng comment ng iba na “from action star,” naging “komedyante” raw si Monsour, at nadamay pa ang ex-gf niyang si Agot Isidro.

Mas maganda yata kung ginaya na lang ni Monsour ang paninindigan ni Eleazar. Lalo pa’t lumalabas na kaya raw lumipat kay Robredo ang mga lider ng Reporma ay dahil hindi kayang ibigay ni Lacson ang hinihingi nilang P800 milyon.

Lumalabas na parang hindi maganda ang reputasyon ng mga artistang tumatakbong senador pagdating sa “paninindigan.”

Dahil si Kris Aquino, may patutsada rin sa kaniyang ex-bf na artista at kandidato ring senador. Sabi ni Kris, huwag daw itong iboto at sayang lang daw ang boto dahil hindi raw marunong tumupad sa pangako ang naturang kandidato.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.