Rey Marfil: Uto-uto na lang ang maniniwala sa China

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
Kung si Pinocchio ang China mga tropapips, malamang na kasinghaba na siguro ng Great Wall of China ang ilong nito sa dami ng kasinungalingan pinagsasabi tungkol sa West Philippine Sea.

Kung si Pinocchio ang China mga tropapips, malamang na kasinghaba na siguro ng Great Wall of China ang ilong nito sa dami ng kasinungalingan pinagsasabi tungkol sa West Philippine Sea.

Ang kurimaw natin na paboritong lagyan ng bagoong ang wanton noodles niya, gigil na gigil na naman sa China dahil sa pag-istambay ng kanilang mga barkong pangisda kuno sa Julian Felipe reef, na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sabi ng embahador ng China sa Pilipinas, mga mangingisda raw at hindi “militia”( o mga sibilyang resbak ng militar) ang sakay ng mga barko. Nasa Julian Felipe reef daw ang mga barko para magpalipas ng sama ng panahon.

Parang boomerang ang hugis ng Julian Felipe reef na ang layo sa Bataraza sa Palawan eh 175 nautical miles lang. At pasok na pasok ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kaya lang, bistado ang kasinungalingan na naman ng China dahil nakitang maganda ang panahon sa lugar. Baka naman ang intensyon lang nila ang masama. At maniniwala ba tayo na mga mangingisda lang at hindi militia ang sakay ng mga barko?

Papaano nga ba malalaman kung mangingisda o militia ang sakay ng mga barko? Simple sabi ng kurimaw natin, pumunta doon ng Philippine Coast Guard, sampahan ang mga barko at halughugin. Kung militia ang mga iyon, malamang na may nakatagong mga armas.

Hindi puwedeng mga sundalong Navy natin ang magpupunta roon para hindi magreklamo ang mga Intsik na naghahamon tayo ng gulo. Ang mga coast guard, maituturing sibilyan gaya ng mga malalaking barko ng coast guard ng China (o Marine Surveillance kuno) na nagtataboy sa mga mangingisdang Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea na sinakop na rin nila.

Mula pa noong “standoff” ng mga barko ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal noong 2012, wala nang sinabing totoo ang mga Tsino. Para matapos ang iringan noon, pinaalis ng pamahalaan natin ang mga barko ng Pilipinas sa kasunduan na aalis din ang mga barko ng China. Ang kaso, na-onse tayo at hindi sila umalis.

Nangyari ang standoff nang mabisto ng Navy natin ang ginagawang pambabalahura ng mga mangingisdang Tsino sa yamang-dagat sa Scarborough Shoal. Ang mga hindi dapat hulihin eh pinaghuhuli ng mga ito tulad ng mga giant clam.

At mula nang umalis ang barko natin sa Scarborough Shoal, mas naging agresibo na ang mga China sa pagsakop sa mga batuhan at bahura sa WPS na ginawa nilang artipisyal na isla.

Hindi raw militarisasyon ang pakay nila sa mga ginawang isla, pero ngayon, aba’y kung ano-anong missile ang nandoon at mga paliparan para sa mga jet nila. Kaya kapag sinabi nilang “hindi,” ang totoo nun, “oo.”

Kahit wala pang isla sa Julian Felipe reef [sa ngayon], malamang na ganito rin ang gawin ng China. Papalibutan ng mga militia ang lugar, at pagkaraan ng ilang araw, may darating ng mga barkong magtatambak ng buhangin sa mga batuhan, sesementuhin, tatayuan ng mga gusali, airstrip, lalagyan ng mga missle, at goodbye na uli Pilipinas.

Ngayon, kahit parang aso lang na nakatali at tinatahulan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang China at pinapalayas na niya sa Julian Felipe reef ang mga barko, maraming Pinoy na rin ang natutuwa. Aba’y mas maganda na nga naman ito kumpara noon na pawang walang imik.

Sabi ng kurimaw natin, kung minsan daw ang galit na aso eh lumalakas at nagagawang nakakawala sa tali at inaatake ang tinatahulan. Malay natin baka biglang nakakawala si Lorenzana. Ano kaya ang gagawin niya? Aba’y abangan natin.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit