Rey Marfil: Tuloy kaya ang eleksyon sa 2022?

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
Minsan pa mga tropapips, ipinakita ng militar na mas makapangyarihan sila sa gobyerno matapos na mangyari ang military junta sa Myanmar. Ang tanong ng kurimaw natin na idol si "Kardo Dalisay: "Mangyari kaya iyon sa Pilipinas?

Minsan pa mga tropapips, ipinakita ng militar na mas makapangyarihan sila sa gobyerno matapos na mangyari ang military junta sa Myanmar. Ang tanong ng kurimaw natin na idol si “Kardo Dalisay: “Mangyari kaya iyon sa Pilipinas?

Baka hindi alam ng mga millenial at Gen Z na hindi na rin naman bago sa Pilipinas ang mga kudeta at magmamarakulyo ng ilang sundalo. Katunayan, ang pagkakaupo ni dating Pangulong Cory Aquino eh nasuportahan ng kudeta ng militar kaya napatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986.

Nang makaupo naman si Cory, ilang beses ding nabulabog ng pag-aaklas ng ilang sundalo ang kaniyang administrasyon pero hindi nagtagumpay at natapos niya ang kaniyang termino noong 1992.

Bumitiw din ng suporta ang militar sa gobyerno ni dating Pangulong Erap Estrada noong taong 2001 nang nagkaroon ng people power revolt. Nagbigay-daan iyon para maging lider ng bansa si Gloria Arroyo, na noo’y bise presidente ni Erap.

Sa termino ni Gloria na tumagal hanggang 2010 dahil nakatakbo pa siya at nanalo sa panguluhang halalan noong 2004, ilang beses din na nagkaroon ng pag-aaklas ang ilang grupo ng mga sundalo pero hindi nagtagumpay na mapatalsik siya.

Pero sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nagsimula noong 2010, hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni President Mayor Digong Duterte, naging tahimik ang militar.

Kaya lang, hindi pa rin mamatay-matay ang mga pagkilos ng ilang grupo para sa tinatawag ng “revolutionay government” o rev-gov upang isulong sistemang “pederalismo” sa pamamahala ng bansa.

Pero siyempre, para mapalitan ang kasalukuyang sistema na presidensiyal, aba’y kailangang amyendahan ang Saligang Batas.

Bagaman atat na atat mga tropapips ang mga kongresista sa Cha-cha o charter change, matamlay naman na parang may lagnat ang mga senador para sumayaw sa cha-cha kaya tiyak na walang mangyayari sa binabalak ng mga kongresista.

Ngunit kung susuportahan ng militar ang rev-gov, puwedeng suspindihin ang Konstitusyon, at magtalaga ng mga taong mag-aamyenda sa Saligang Batas para maisagawa ang pagpapalit sa sistema ng pamamahala, at siyempre pati na sa termino ng mga opisyal na ihahalal.

Pero sa taas ng popularidad ni President Mayor Digong, maaaring panatilihin ng rev-gov sa puwesto ang pangulo sa halip na alisin at idetine na ginawa ng mga sundalo ng Mynmar sa kanilang mga politikong lider gaya ni Aung San Suu Kyi.

Kung walang eleksiyon sa 2022, aba’y mahigit P14 bilyon ang matitipid ng gobyerno na inilaang pondo sa Comelec sa 2021 national budget. Puwedeng sabihin ng rev-gov na gagamitin na lang pondo na pambili ng bakuna o pang-ayuda.

Sa laki ng problema ngayon ng maraming Pinoy dahil sa perwisyong COVID-19, pumalag o tumutol pa kaya ang mga tao sakaling magkaroon ng rev-gov at amyendahan ang saligang batas? Pumayag kaya ang mga grupo ng negosyante at magkaroon kaya ng tapang ang oposisyon?
Pero siyempre, nakasalalay ang lahat sa propesyonal na militar na sumumpang poprotektahan ang Saligang Batas at mamamayan.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit