Rey Marfil: Nasibak na embahadora, ‘biktima’ rin ng pandemic?

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
A VPN is an essential component of IT security, whether you’re just starting a business or are already up and running. Most business interactions and transactions happen online and VPN

Kung simpatiya ng publiko ang habol ni dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa paglabas niya sa media para magpaliwanag sa pananakit niya sa kaniyang kasambahay, aba’y mukhang napag-iwanan na siya ng bus na papuntang tralala.

Ilang araw kasi matapos ianunsyo ni President Mayor Digong Duterte na inaprubahan niya ang rekomendasyon na sibakin sa puwesto si Mauro, naglabasan sa media ang panayam sa kaniya.

Bukod sa nasibak sa trabaho, hindi na muling makakahawak ng posisyon sa gobyerno si Mauro at wala rin siyang matatanggap na mga benepisyo.

Sa tagal niya sa serbisyo bilang diplomat na umabot ng mahigit 20 taon, aba’y malaking halaga ang tiyak na nawala kay Mauro dapat sana niyang matatanggap kapag nagretiro siya.

Labis daw niyang pinagsisihan ang ginawa niyang pananakit sa kaniyang kasambahay, na nag-viral noong nakaraang taon ang video. Ang kuha ay mula sa CCTV sa kaniyang official residence sa Brazil.

Sino kaya sa mga tauhan niya ang may matinding galit sa kaniya para ibigay sa media sa Brazil ang mga footage na makikita na ilang beses niyang sinaktan ang kaniyang kasambahay, na ayon mismo kay Mauro eh kababata pa niya at parang kapatid na raw ang turingan nila.

Dahil sa tila kapatid na ang turingan, para bang may “family bond” na sila. Kumbaga sa pamilya, natural ang mag-away at magkasakitan sa bahay. At nang mga panahon na nangyari raw ang pananakit ni Mauro sa kaniyang kasambahay, aminado siyang nakararanasan siya ng matinding stress dahil sa lockdown na ipinatutupad bunga na rin ng COVID-19 pandemic.

Batid naman daw ng dating embahador na lumabis siya sa kaniyang ginawa kaya humingi siya ng patawad at pang-unawa.

Sakabilang banda, hindi rin dapat na husgahan siya sa naturang pangyayari dahil sa mahigit 20 taon niya sa serbisyo eh isinulong naman niya ang kapakanan ng mga OFW.

Ito mga tropapips ang isa sa mga halimbawa ng tinatawag nating “tuldok sa bondpaper.” Mantakin mong napakalaki ng puti sa bondpaper pero ang tiyak na makikita eh ang maliit na tuldok.

Kumbaga sa nangyari kay Mauro gaya ng sinasabi niya, marami siyang nagawang mabuti para sa mga OFW, pero hindi iyon nabigyan ng pansin at ang nasentro eh ang ginawa niyang pananakit sa kaniyang kasambahay.

Kung noon pa siguro ipinaliwanag ni Mauro ang kaniyang panig, aba’y baka nabawasan kahit papaano ang galit sa kaniya ng mga tao lalo na ang mga netizen at OFWs. Mauunawaan siguro nila kahit papaano ang sitwasyon niyang “stress” sa panahon ng lockdown dahil marami naman talaga ang nakaramdam nito.

Katunayan, mismong ang pulisya natin eh aminadong tumaas ang “domestic violence” noong lockdown at may mga nauwi pa nga sa patayan at matinding sakitan. Ngunit, datapwa’t, pero…hindi pa rin katanggap-tanggap na manakit ng taong kasama sa bahay–lalo na sa kaso ni Mauro na isang opisyal at “OFW” ang kaniyang kasambahay kahit pa magkapatid ang turingan nila.

At kung nagkapatawaran na sila ng kaniyang kasambahay at pamilya nito, dapat din sigurong pinakiusapan niya noon na dalawa silang humarap sa media para magpaliwanag sa nangyari at nagkapatawaran.

Aba’y kung nagawa niya iyon, baka nabawasan na ang galit ng mga tao, at baka mas naging mababa ang parusahang ipinataw sa kaniya. Sabagay, puwede pa naman yatang iapela ni Mauro o idulog sa korte ang kaniyang pagkakasibak.

Sa kaniyang kuwento, lumilitaw na kasama rin siya sa napakarami nating kababayan na naperwisyo ng pandemic. Kaya naman dapat na talagang ipatupad ang vaccination program nang bonggang-bongga at now na!

Ika nga, Kailangan na talagang makabalik sa normal ang buhay ng mga tao at mabawasan na ang nakararanas ng matinding stress na ang napagbabalingan ay ang sarili, kasama sa bahay o kapitbahay.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit