Rey Marfil: Mental help!

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
Mahirap mang tanggapin mga tropapips, tila kailangan pa nating habaan ang ating pasensiya at higpitan pa ang sinturon dahil hindi pa humuhupa ang perwisyong hatid ng virus na pinauso ng China na COVID-19. Ang epekto ng pandemic, hindi lang sa bulsa kundi pati sa utak. 

Mahirap mang tanggapin mga tropapips, tila kailangan pa nating habaan ang ating pasensiya at higpitan pa ang sinturon dahil hindi pa humuhupa ang perwisyong hatid ng virus na pinauso ng China na COVID-19. Ang epekto ng pandemic, hindi lang sa bulsa kundi pati sa utak.

Ang kurimaw natin na pustiso ang mga ngipin, nanginginig ang bagang sa inis nang malaman ang balita na nakakapag-party na sa night club ang mga taga-Wuhan, China na itinuturing pinagmulan ng virus noong December 2019 at naging epicenter ng pandemya.

Makikita nga sa video na masayang nagpa-partey-partey ang mga tao sa isang night club sa Wuhan na indikasyon na bumabalik na sa normal ang pamumuhay nila. Dito sa Pilipinas, subukan mong mag-partey-partey at tiyak na huli ka’t sarado ang night club mo. Kagaya ng ginawa ng isang celebritey na nagpa-partey sa kaniyang birthdey.

Sadya nga lang talaga na mayroong mga tao na hindi mapigilang ang magkasiyahan. Pero huwag naman silang husgahan kaagad na mga pasaway at matitigas ang ulo. Baka naman kasi paraan nila iyon para maglibang at maalis ang “mental stress” dahil halos isang taon na rin naman nating nilalabanan ang pandemic.

Kung celebrity ka nga naman at ang buhay mo eh gabi-gabing kasiyahan, malaking pagbabago talaga mangyayari. Kaya nga dapat pa talaga nating habaan ang pasensiya, pagtitipid, at pag-aalaga sa ating kalusugan–pati sa ating isip o mental health.

Hindi biro mga tropapips ang epekto sa kaisipan ng pandemic na ito. May mga kababayan talaga tayong “bumibigay” ang isip hanggang sa tuluyang saktan na ang kanilang sarili. Gaya ng isa nating kurimaw na nawalan ng mahal sa buhay noong nakaraang taon–hindi dahil sa COVID kung hindi dahil sa suicide.

Gaya ng marami, nawalan din ng trabaho ang kaanak ng kurimaw natin, at pagkaraan ng ilang buwan ay napansin na ang pagbabago sa kaniyang ikinikilos.

Hanggang sa mangyari na ang hindi nila inaasahan. Kaya hindi lang ang COVID ang dapat nating iwasan kung hindi maging ang sobrang stress na maaaring mauwi sa depresyon, at humantong sa nakalulungkot na sitwasyon.

Noong nakaraang taon mga tropapips, iniulat ng National Center for Mental Health (NCMH) ang pagtaas ng natatanggap nilang tawag sa hotline mula sa mga nakararanas ng depresyon. Hindi nga lang natin alam kung may datos rin ang mga awtoridad tungkol sa suicide cases sa bansa mula nang maranasan natin ang pandemic.

Pero sa Japan, iniulat ng kanilang health and welfare ministry na tumaas ang bilang ng kaso nila ng mga kababayang kinikitil ang sariling buhay noong 2020.

Ang Japan at South Korea ang ilan sa mga bansa na mataas ang kaso ng mga nagpapatiwakal. Katunayan, nitong mga nakaraang buwan ay ilang sikat na personalidad sa SoKor ang iniulat na natatagpuang patay sa kani-kanilang bahay, at hindi na binanggit ang dahilan ng
kanilang mga pagpanaw.

Sa ngayon, lubhang abala ang pamahalaan sa pagbili ng bakuna at paghahanda kung papaano ito ituturok sa mga tao. Pero wala tayong nababalitaan mula sa Department of Health na nagsagawa man lang ng paalala tungkol sa pangangalaga sa mental health, maliban sa mga utos na sumunod sa health protocols.

Hindi biro ang nakararanas ng mental health problem, ayon sa ating kurimaw. Lalo na raw kung ang taong apektado ay “in denial” at hindi naniniwala na may problema siya sa pag-iisip.

Kaya naman malaki rin ang magagawa ng mga barangay at health workers kung sila na mismo ang magsasagawa ng kampanya upang paalalahanan ang kanilang mga kababayan na puwede silang lapitan pagdating sa usapin ng mental health–at hindi lang puro sa ayuda.

May panahon pa naman para magpakitang-gilas ang DOH at NCMH. At sa mga taong kailangan ng kausap, o may kaanak na sa tingin nila ay mental health issue, narito ang mga puwedeng tawagan: Hopeline 24/7 hotline (02) 8804-4673; 0917-5584673; NCMH Crisis Hotline 1553, 0917 899 8727(USAP), at 7-989-8727 (USAP).

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit