Rey Marfil: Manunurok, bakunista o turokista?

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
A VPN is an essential component of IT security, whether you’re just starting a business or are already up and running. Most business interactions and transactions happen online and VPN

Parang batang natakam sa ice candy mga tropapips ang kurimaw nating takot sa injection nang walang dumating na bakunang pangontra sa COVID-19 ngayong Pebrero.

Ang iba’t ibang lokal na pamahalaan pa naman, kaniya-kaniya nang pabida sa kanilang kahandaan sa gagawing pagtuturok ng bakuna.

Katunayan, parang mga artistang sumalang na sa acting workshop ang mga napiling gaganap na mga “vaccinator” para sa tinatawag na “vaccine rollout” o “inoculation.”

Pero kung ang kurimaw natin ang tatanungin, hindi raw niya type ang tawag na “vaccinator” sa mga magbabakuna dahil parang berdugo raw ang dating na tunog “terminator.”

Tutal naman daw eh mga Filipino tayo, humirit ang kolokoy na mas maganda raw kung tawagin na lang “manunurok,” “bakunista” o “turokista” ang mga magbabakuna ng COVID-19.

Ngunit kung anuman ang dapat na itawag sa mga magbabakuna, ang higit na mahalagang malaman ay kailan talaga darating ang mga bakuna, at kung mayroon kayang magpapabakuna.

Kung dati eh sinasabing hindi naman paunahan ang pagkuha ng bakuna, ngayon ay tila nakikita na ang kahalagahan ng maagang pagkuha ng bakuna para sa mailigtas ang mga tao at mabuksan muli ang ekonomiya.

Marami nga sa mga tropapips natin ang napa-“sana all” nang maibalita na mayroong mga bansa na mas “mahirap” pa ang ekonomiya sa Pilipinas ang nakatanggap na ng bakuna tulad ng Bangladesh at Ghana.

At sa mga bansang nagsimula na ang pagbabakuna noong Disyembre at Enero, nakita na nagkaroon na ng pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 tulad sa Amerika.

Aba’y hindi biro at nakakatakot pa rin mga tropapips ang lumalabas na datos ng Pilipinas sa araw-araw na nadadagdag na positibong mga kaso ng COVID-19, at mas dumadaming namamatay.

Kahit ang inaasahang pagbubukas ng ekonomiya sa Marso na ilagay na sa modified general community quarantine ang buong bansa eh napurnada dahil sa pangamba ni President Mayor Digong Duterte na baka sumipa pa ang COVID cases kapag mas dumami ang mga tao sa labas.

Sa ngayon, ang kontrobersiyal na Sinovac vaccine ng China na tinatayang 600,000 doses ang inaasahang unang darating sa bansa na baka sa unang linggo ng Marso. Kaya lang, marami ang nagdududa sa bisa nito na panlaban sa virus.

Ang isa pang problema, lumalabas pa rin sa mga survey na mas marami ang ayaw o kung hindi man eh nagdadalawang-isip na magpaturok ng COVID vaccine. Kaya naman dapat mag-isip ng pakulo ang pamahalaan at mga lokal na opisyal para mahikayat ang tao magpunta sa mga manunurok, bakunista o turokista.

Bakit nga ba wala pa tayong nakikitang mga sikat na personalidad gaya ng mga artista na naghihikayat sa mga tao magpabakuna? Walang bang badget dito ang DOH o takot din silang magpabakuna?

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit