Rey Marfil: Hilo na ba sila sa COVID-19?

Share on facebook
Share on twitter
Share on email
Share on reddit
Share on whatsapp
A VPN is an essential component of IT security, whether you’re just starting a business or are already up and running. Most business interactions and transactions happen online and VPN

Mahigit isang taon na tayong piniperwisyo mga tropapips ng COVID-19. Mahigit 13,000 na ang namatay, halos 700,000 na ang nahawahan, at mayroong mahigit na 90,000 active cases. Pero hanggang ngayon, ang mga tao pa rin ang sinisisi ng mga opisyal ng pamahalaan sa patuloy na pagkalat ng virus.

Pero bago ‘yan, hindi pa man dumadating ang tunay na buhos ng mga COVID-19 vaccine eh nangyayari na mga tropapips ang naunang ibinabala natin laban sa mga “langmagu” sa bakuna na dapat bantayan.

May ilang politiko na ang sinasabing sumisingit sa pila at may celebrity din na pinapalabas pang tagilid ang kalusugan kaya dapat daw mabakunahan na. Gayung kung titingnan mo naman si idol, mukha naman malakas pa siya sa kalabaw.

Dahil limitado pa ang bakuna at puro donasyon ang dumadating, ang nasa priority list na dapat maturukan muna eh ang mga medical frontliner. Siguro naman eh hindi na kailangang ilagay sa module para ipaliwanag kung bakit dapat mauna ang mga medical frontliner–sila kasi ang lantad sa virus kapag gumagamot ng mga pasyenteng may virus.

Hindi man pang-virus proof ang bakuna, sinasabing mapapahina naman nito ang tama ng sakit sa mga naturukan para hindi sila matepok at hindi malagasan ang mga nag-aalaga sa mga may sakit.

Bukod sa dapat talagang mauna sa bakuna ang mga medical frontliner, may kondisyon din ang World Health Organization na dapat masunod ang priority list para hindi tayo mawala sa listahan nila ng donasyon ng bakuna sa ilalim ng COVAX facility program.

Bagaman may ilang alkalde na sumingit din sa “pila” ng turukan, hindi natin sila masisisi lalo na kung talagang aktibo sila sa pagtugon sa problema ng COVID sa kanilang nasasakupan. Lalo na kung at risk din ang mayor o may ibang sakit na kailangan maprotektahan sa virus.

Balik tayo sa sisihan. Kung pagbabasehan mga tropapips ang mga nakaraang pahayag ng Department of Health at maging ang Palasyo tungkol sa pagdami ng tinatamaan ng virus, naniniwala sila na may kinalaman ang pagbubukas ng ekonomiya sa pagdami ng hawahan.

Mas marami nga namang tao sa labas ng bahay para magtrabaho at magliwaliw, mas maraming tao na sama-sama sa bus, jeep, MRT, LRT, at opisina, sa mga kainan at mall, at iba pang lugar, natural na mas malaki ang tiyansa ng hawahan.

Pero kung ang Department of Trade and Industry ang tatanungin, aba’y hindi raw ang pagbubukas ng ekonomiya ang dahilan ng pagdami ng kaso–lalo na nitong mga nagdaang linggo.

Napatunayan daw iyan noong nakaraang taon nang magbukas ang ekonomiya simula noong July. Pero kung magbabasa tayo mga tropapips ng timeline ng epekto ng COVID sa bansa, aba’y hindi naman bumababa kung tutuusin ang daily new cases ng virus na naglalaro sa 2,000 hanggang 3,000. Humingi pa nga ng “timeout” ang mga medical frontliners noong Agosto.

Dahil sumipa nga ang COVID cases ng ilang ulit, ibinalik noon sa mas mahigpit na quarantine ang Metro Manila at ibang lalawigan.

Kung patuloy na sisisihin ang mga tao sa pagdami ng COVID at hindi nila alam kung papaano masusulusyonan ang mga pasaway, aba’y wala na talaga tayong pag-asa na mapapababa ang nahahawahan–lalo na kung hindi nasisilip ng mga opisyal ang sarili nilang pagkakamali.

At kung hindi pa rin magdadatingan ang mga bakuna para maturukan na ang marami sa atin at makuha ang inaasam na “herd immunity,” aba’y bahala na talaga sina Batman at Superman sa atin.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...

Leave a Replay

Sign up for our Newsletter

Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit