Friday, October 7, 2022
politiko-politics-ph-logo

Face mask at text scam

Sep 14, 2022 @ 14:10

Ano raw mga tropapips ang pagkakatulad ng sitwasyon ngayon tungkol sa naglipanang text scam at ang pagluluwag na sa paggamit ng face mask?

Kamakailan nga eh naglabas na ng kautusan ang Palasyo na okey nang hindi magsuot ng face mask sa outdoor o sa labas. Kaya ang mga makikipag-date na hindi kagandahan at kapogian, piliin na sa indoor kayo magkita para hindi kaya hiritan ng ka-date ng face reveal.

Malamang na malungkot din ang mga buraot na kriminal na nagtatago sa face mask. Dahil alam nila na malapit nang matapos ang araw ang pagtatago nila ng mukha sa pamamagitan ng face mask kapag manghoholdap.

Kaya kung dati eh face mask lang puwede nang itago ang mukha kapag nangholdap ng kainan, baka kailanganin na uli nilang magsuot ng stockings sabay suot ng helmet kahit walang motorsiklo.

Pero marami pa rin tayong tropapips ang nagsasabi na magsusuot pa rin sila ng face mask sa outdoor para makasiguro. Marami pa rin naman kasi ang nagpopositibo sa virus kahit pa sinasabing hindi malala ang tama ng virus kapag bakunado na at may booster shot.

Kaya ang mangyayari, nasa mga utaw ang pasya kung gusto nilang makipagsapalaran sa virus sa pamamagitan ng hindi na paggamit ng face mask sa labas. Papaano nga naman kung madapuan ka ng virus at maiuwi mo sa bahay, at may kasama kang bata o tao na wala pang bakuna na humina na ang bisa ng bakuna?

At gaya sa pagsusuot ng face mask na ikaw ang bahala sa buhay mo, ganito rin ang mangyayari sa naglipanang text scam. Ikaw rin ang bahala sa buhay mo para hindi ka maloko.

Sa dami na kasi ng isinagawang imbestigasyon ng iba’t ibang ahensiya at maging ng mga mambabatas, puro tamang hinala pa rin kung papaano nakukuha ng mga scammer ang cellphone number ng mga taong nakakatanggap ng text. At walang nasasakote.

Kung dati nga naman eh “phising” o basta lang magpapadala ng text ang scammer na kunwaring nanalo ka ng kung ano-ano at may iuutos sa iyo na gawin ito para mahulog ka sa bitag nila, ngayon ang ibang text scam eh personalized na o alam ang pangalan ng kanilang iti-text.

Paano nakuha ng mga scammer ang pangalan ng mag-ari ng cellphone number? Puro hinala lang ang isasagot ng mga opisyal ng mga ahensiyang dapat makatimbog sa mga scammer.

Pero sa totoo lang, sa dami ng contact tracing at mga form na naglipana dahil sa pandemic, at mga app sa gadget at mga e-wallet na kailangan ang detalye ng mga gumagamit, hindi na kataka-takang na maging personalized na ang text scam.

Kaya nga gaya raw ng isyu ng face mask kung magsusuot pa rin ba ang tao para sa sarili niyang kaligtasan, sabi ng mga kurimaw natin, nasa tao rin ang sagot kung magpapaloko ba siya sa matatanggap na text scam.

Sabagay, kung gusto mong maging feel safe, magsuot ka pa rin ng face mask sa labas kahit magmukha holdaper na ikaw lang ang naka-face mask. At kung ayaw mong mabiktima ng mga scammer na hindi kayang hulihin ng mga awtoridad natin, aba’y mong sagutin ang matatanggap na text.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.