Friday, October 7, 2022
politiko-politics-ph-logo

Ayudahan problemadong mga paaralan

Aug 17, 2022 @ 13:06

Maraming magulang at estudyante ang na-shookt mga tropapips sa ginawa ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City na biglang nag-anunsyo ng kanilang pagsasara at tigil-operasyon kung kailan nagsisimula na ang pagbubukas ng klase ngayong taon

Talaga namang nakakawindang ang nangyari sa parte ng mga magulang dahil magkukumahog sila ngayon sa paghahanap ng eskuwelahan na malilipatan ng kanilang mga anak.

Siyempre, may tama rin sa mental health mga estudyante ang nangyari dahil mag-aalala rin sila kung matutuloy ba ang kanilang pag-aaral. Pero kung iskul-bukol ang istayl ng estudyante, baka happy pa siya kung hindi siya mahanapan ng malilipatang paaralan.

Ang pagkakaalam natin, private school ang Colegio de San Lorenzo na tatlong dekada na, o 30 taon nang nag-ooperate. May kamahalan din ang tuition kaya ibig sabihin ay mga nakaka-L-L, o nakaka-luwag-luwag ang mga nag-aaral sa eskwelahan na ‘yan.

Kaya lang, dahil sa marami ang gipit ngayon, tiyak na gusto rin ng mga magulang na makuha kaagad kung magkaano man ang naibayad na nilang tuition ng anak. Mas mahirap siguro kung hindi lang isa o dalawa ang anak mo na ininrol sa Colegio de San Lorenzo.

Ang dahilan ng Colegio de San Lorenzo kaya nagsara ay dahil daw sa kakapusan sa pinansiyal dulot ng COVID-19 pandemic at mababang enrollment ngayong pasukan. Ibig bang sabihin eh umasa ang paaralan na marami ang mag-e-enroll sa kanila ngayong school year kahit private school sila na may kamahalan ang tuition?

Kung kinakapos na sila sa pondo, bakit hindi sila nag-anunsyo kaagad na magsasara na at hindi na sana tumanggap pa ng mga bagong nag-enroll.

May mga tropapips tayong nais makisimpatiya sa Colegio de San Lorenzo dahil biktima rin sila ang mapagbirong kapalaran dulot ng pandemic. Kaya lang, kapag naisip na nila ang sitwasyon ng mga apektadong magulang at mag-aaral na mangangarag sa paghahanap ng eskuwelahan na malilipatan, napapalitan ng inis ang simpatiya.

Isipin na rin nila ang mga estudyante na magtatapos na siguro sa kolehiyo ngayong school year. Bukod sa maghahanap sila ng malilipatan, kailangan swak sa kurso ang makukuha nila at walang units na maiiwan. Dahil kung hindi, baka matengga sila ng isang taon pa.

Tanong ng tropapips natin, kung problema sa pinansiyal ang problema, hindi ba puwedeng pumasok dito ang gobyerno para magbigay ng pautang sa mga problemadong paaralan nang sa ganon eh maitawid nila ang pandemic?

Hindi rin naman talaga biro ang dalawang taon na walang face to face class. Hindi lang naman ang Colegio de San Lorenzo ang may ganitong problema. Tutal eh naglalabas naman ng pondo ang gobyerno sa pandemic response, hindi ba nila kayang ayudahan ang mga paaralan na pribado?

Baka kung may ayuda sa mga paaralan na maaaring ibigay sa mga katulad ng Colegio de San Lorenzo, baka maitawid pa nila ang 2022-2023 school year. At kung susuwertihan, baka tuluyan silang makabangon sa susunod na taon.

Umaasa ang mga tropapips natin na magbago pa sana ang ihip ng hangin sa Colegio de San Lorenzo. Sa halip na isara, ituloy na lang nila ang klase sa mga nakapag-enroll na. At mag-post sila sa kanilang Facebook page na “it’s a prank!” ang ginawa nilang anunsyo na closing sa panahon ng class opening.

Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow @dspyrey)

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.