WebClick Tracer

POLITIKO

SOUTH LUZON

Batangas Rep. Eric Buhain congratulates Calaca on becoming a city

Batangas Rep. Eric Buhain is thrilled for Calaca which is now officially a city.

Buhain congratulated Calaca on Facebook and said this development would bring progress and development to the area.

He lauded the leaders of the new city for this initiative and also thanked his wife, former Rep. Eileen Ermita-Buhain, other members of Congress, and former President Rodrigo Duterte who approved the measure to convert Calaca into a city.

“YES, CONGRATULATIONS, CITY OF CALACA!!!

Maligayang pagbati sa lahat ng Calacazens! Ang pagiging ganap na Lungsod ng Calaca ay indikasyon ng patuloy na progreso at pag-asenso.

Hindi magiging posible ang makasaysayang araw na ito kung hindi ipinagkaloob ng Poong Maykapal at sa dedikasyon din ng mga bumubuo ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa pangunguna ni Mayor Nas Ona, kasama sina Vice Mayor Pippo Katigbak at ang kanilang konseho.

Lubos po ang ating pasasalamat sa lahat ng nagpasimuno at nagbigay-daan sa hangaring ito — sa aking maybahay na si dating Cong. Eileen Ermita-Buhain, at sa ibang mga kinatawan na nagsulong nito sa Kongreso. Gayundin sa mga Senador at kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Muli, bilang kinatawan ng Unang Distrito, aking ipinapaabot ang aking pagbati sa lahat ng mga Calacazens! Kayo ang tunay na PANALO!

Mabuhay ang LUNGSOD NG CALACA!

Mabuhay ang Unang Distrito ng Batangas!” Buhain posted.