Monday, July 4, 2022
politiko-politics-ph-logo

Majayjay Vice Mayor Ariel Argañosa takes his “volun-team” on an outing

May 26, 2022 @ 9:13

Majayjay Vice Mayor Ariel Argañosa is very happy over his electoral victory, and he credits his volun-team for this.

Argañosa is thankful for his volunteers’ support during the campaign, as he had no leaders, coordinators, watchers, and the like.

These volunteers campaigned for him and defended him from detractors, he said,

They didn’t get any allowance and even had to use money from their own pockets sometimes, he said.

He is very proud of them and feels very lucky to have them by his side, which was why after the polls, he took them on a swimming trip.

It is his simple way of showing his gratitude for the big part they played in his campaign.

He is proud to flex his awesome team!

“ALAGANG ARIEL VOLUN-TEAM

Isa sa pinaka maganda at masayang bagay at pagkakataon na nangyari sa inyong lingkod nitong nagdaang eleksyon ay ang makabuo ng isang bagong SOLIDONG PAMILYA. Isang pamilyang hindi man sa dugo, pero galing sa puso.

Dahil katulad ng paulit-ulit nating sinasabi, wala tayong mga leaders, coordinators, watchers etc. Ang tanging meron lang ako, ang aking mga 100% pure Volunteers. Walang allowance, walang bayad, minsan sila pa nga nag aabono.

Kaya sobrang swerte ko sa mga taong ito. Pasensya na po at hindi pa ako maka get over sa mga ito, dahil deserve nilang ma-flex!

Sobrang nakaka proud po ang mga taong ito. Nagkusa silang sumama sa akin para tulungan ako sa laban. Inintindi nila ang sitwasyon ko, at ang mapakain sila ng simpleng pagkain lamang ang tanging maisusukli ko sa araw-araw nilang pagpupuyat para sa akin, pagsama sa house to house campaigning at sa lahat ng motorcades natin.

Sila ang mga mas matatapang pa na gustong humarap sa mga bumabatikos sa atin upang maipagtanggol tayo.

Kaya walang ibang salita kundi SALAMAT para sa mga taong ito na hindi kami iniwan sa laban kahit na walang bayad na nakukuha mula sa aming Pamilya.

Kaya naman, ang sabi ko sa kanila, itong pa-swimming na ito ang pinakang maibibigay ko lang sa inyo sa lahat ng sakripisyo ninyo sa akin, mapawi man lang ang pagod at puyat ninyo, kaya deserve ninyo ang magpahinga at magsaya.

Sa ganitong paraan, simple man ang ating naibigay para sa kanila solved na solved na sila.

Maraming Salamat din po, Koo koo’s Farm and Garden Resort.

Muli, kasama ng buo naming pamilya, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO.

#AlagangAriel,” Argañosa posted.

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.