Monday, May 23, 2022
politiko-politics-ph-logo

Mayabang? I’m just being transparent, says General Luna Mayor Matt Florido

Feb 22, 2022 @ 9:41

General Luna Mayor Matt Florido’s post listing his accomplishments seemed to have ruffled some feathers. 

Florido took to Facebook to explain that his reporting of his accomplishments was meant for transparency and not to be boastful.

Being proud of his accomplishments is different from putting down others, he said. 

He also said he was not being high and mighty when he sought to correct the political statement that promised to bring back the vigor of General Luna.

It was natural to ask about this and wonder if the people of the town are sac in the first place, because if this was true, it was his duty to do something about it, he said. 

He also said he needed to compare his administration’s accomplishments with that of the previous one so that people would know what changes have happened in General Luna. 

Comparison is important so that people could choose a good leader, he said. 

Choose wisely!

“UNAWAING MABUTI. HINDI PO AKO GALIT, NAGPAPALIWANAG LAMANG. 

pastedGraphic.png
pastedGraphic.png
pastedGraphic.png

Ang pagpopost ko po sa Facebook ng accomplishments ng aming administrasyon ay bahagi ng TRANSPARENCY IN GOVERNANCE. Dapat malaman ng tao kung ano ang aming mga ginagawa sa ating bayan. HINDI PO ITO KAYABANGAN AT PAGTATAAS NG SARILI GAYA NG SINASABI NG ILAN (actually, marami sa kanila ay mga TROLLS pa). 

MAGKAIBA ANG PAGIGING PROUD SA ACCOMPLISHMENTS AT PAGIGING MAPAGMATAAS. Kung hindi po kayo masaya sa mga nangyayaring pagbabago sa bayan natin, ok lang po sa akin, ANG MAHALAGA MAKIKITA NG MATA ang lahat ng mga nagawa at ginagawa namin bilang mga lingkod bayan.

Hindi ko po kasalanan na marami at bumabaha ng proyekto sa bayang may puso. Sa loob lamang ng isang termino ay aabot na sa PHP 550 MILLION ANG NAISAKATUPARAN, KASALUKUYANG GINAGAWA AT MGA GAGAWIN PANG MGA PROYEKTO. Mag-uulat po ako ng bukod para sa detalye nito.

Kapag nireport ko po na TOP 4 sa SAME-DAY TOURIST ARRIVALS sa buong Quezon ang General Luna, HINDI PO ITO KAYABANGAN. Ito po ay PARANGAL na natanggap ng bayan natin mula sa Department of Tourism at Provincial Tourism Office at nararapat lamang ipagbigay alam ko sa ating mga kababayan. Dahil, tunay naman na nakakaproud.

Noong nag CHAMPION tayo sa Niyogyugan sa Booth Competition, sinabi ko na kung dati lagi po tayong putot, sorry na for the word, tunay naman, PERO noong 2019 nang tayo ng po ang nakaupong Punong Bayan, 1ST PLACE TAYO SA NIYOGYUGAN BOOTH COMPETITION CATEGORY B.

Hindi ko din po kasalanan na mahirang ang General Luna bilang NUMBER 1 sa buong CALABARZON sa 2021 SAGISAG NG PAG-ASA AWARDS na iginawad ng DILG. Ang matino, mahusay at may pananagutang pamamahala ay nararapat lamang maipagmalaki, ilathala upang tularan ng ibang mga kapwa ko Punong Bayan.

Kapag nagreport po ako na ZERO DISALLOWED EXPENSES ang aming administrasyon, HINDI DIN PO ITO PAGBUBUHAT NG BANGKO. Una, hindi ko kasalanan na may DISALLOWED EXPENSES ang nakaraang administrayon. Kailangan kong sabihin na hindi ito sa aming administrasyon nangyari dahil nakareflect pa rin ito sa COA report.

Kapag nais kong itama ang isang POLITICAL STATEMENT na ‘MAGBABALIK NG SIGLA SA GENERAL LUNA,’ hindi din ito pagiging mapagmataas. Tunay, NATAWA po talaga ako sa tag line na iyan. Kaya nagtanong lang ako kung malungkot po ba tayo? Bilang Punong Bayan, kailangan ko iyong malaman, dahil kung totoong walang sigla ang ating bayan ay dapat gumawa ako ng mga kapamaraan para dito. Di po ba ga? Kapag hinayaan ko ito, para ko na din tinanggap na malungkot nga at walang sigla ang bayang may puso sa kasalukuyan.

Sabi ng ilan, BAKIT DAW KAILANGANG IKUMPARA? Natural po, kailangan mabatid ng marami KUNG ANO ANG PAGKAKAIBA ng NAKARAAN at nang KASALUKUYAN. Bakit kailangang i-post sa social media? Sagot: Para mabatid ng mas marami at magising din sa katotohanan ang mga natutulog ang kamalayan. 

Sa papalapit na halalan, MAHALAGA ANG PAGKUKUMPARA. Dito, makakapili ng MAAYOS NA LIDER ang ating mga kababayan. 

Hanggang dito na lamang po muna. Asahan nyo po na patuloy kaming maglilingkod sa inyo ng tapat, matino, mahusay at may pananagutan. 

Maraming maraming salamat po! 

pastedGraphic.png
pastedGraphic.png
pastedGraphic.png

 #MAYORwithaHEART #BayangMayPuso #PagbabagongMayPuso #GeneralLunaRisingwithaHeart,” Florido posted. 

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.