Saturday, October 16, 2021
politiko-politics-ph-logo

Laguna Gov. Ramil Hernandez announces bid for third term

Sep 23, 2021 @ 10:56

Laguna Gov. Ramil Hernandez is ready to run for a third term as head of the province.

Hernandez announced his plan in a Facebook post 10 days before the filing of certificates of candidacy.

He said he may not be a camera savvy and smooth-talking politiko, but he believes he was able to show his brand of public service through his actions.

He had focused on putting the province’s finances in order and managed its huge debt that he inherited.

Health and social services also increased, along with scholarships and infrastructure projects, he said.

Laguna under his watch also received the Seal of Good Local Governance for four straight years, and he was twice hailed the Outstanding Governor of the Philippines for Social Services.

Hernandez also assured the public that while he would be campaigning, his administration’s current programs and projects, especially those for the pandemic, would not affected.

He’s game to run!

“LAGUNA, GAME NA PO AKO!

Sa gitna po ng kinakaharap nating pandemya na ang pinagtutuunan natin ng atensyon ay ang pakikibaka dito at pagtulong sa mga tao na walang halong pamumulitika ay eto at 10 araw mula ngayon ay filing of candidacy na para sa election 2022.

Dahil po dito ay gusto ko pong pormal na ianunsyo ang aking pagtakbong muli bilang gobernador ng Laguna sa ikatlong termino. Game na po ako sa aking huling termino.

Hindi man po ako sobrang husay sa pagsasalita at pagharap sa camera, naniniwala po ako na sa pamamagitan ng gawa ay naipadama ko ang Serbisyong Tama.

Mula sa unang araw ng aking panunungkulan ay sinigurado ko na pong ayusin ang pananalapi ng ating lalawigan at ilagay sa tama ang mga gastusin. Dahil po dito ay unti-unti po tayong nakaahon sa pagkakalubog sa malaking pagkakautang na akin pong dinatnan. Kasabay po nito ay nagawa pa rin nating lagyan ng malaking pondo ang pagpapalakas ng health at social services na tumutugon sa pangangailangan gaya ng pagpapagamot, pagbibigay ng medical at burial assistance, atbp. Malaking pondo para sa scholarship program upang mas madaming kabataan ang mabigyan ng pagkakataon. Pagbubukas ng maraming oportunidad sa pangkabuhayan. Kasama din po ang maraming imprastrakturang proyekto na pinakikinabangan sa iba’t ibang barangay ng ating lalawigan. Ilan lamang po ito sa aking 8 point program. At dahil po dito ay nakamit natin sa apat (4) na sunod-sunod na taon ang pinakamataas na pagkilala ang Seal of Good Local Governance at 2 beses na nahirang bilang Outstanding Governor of the Philippines for Social Services.

Ang kapitolyo ay nararapat na ilapit sa tao kaya’t minabuti ko po ang paglalagay ng extension office ng ating kapitolyo sa Calamba upang madaling mapuntahan ng mga taga 1st and 2nd district ng lalawigan.

Kasabay po ng kakaharapin nating election ay sinisigurado ko po sa inyo na hindi mapapabayaan ang ating mga programa at proyekto lalo na ang pagtugon natin sa mga suliranin na dulot ng pandemya.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala.

GOV. RAMIL L. HERNANDEZ

#TuloyAngSerbisyongTama,” Hernandez posted.

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.