Tuesday, January 25, 2022
politiko-politics-ph-logo

Cuenca Mayor Faye Endaya Barretto remembers the lessons from her late father

Apr 19, 2021 @ 9:09

It’s been nearly two year since Cuenca Mayor Faye Endaya Barretto’s father passed away, but she still treasures the lessons she learned from him,

Barrettto shared some of her father’s lessons in a Facebook post, where she said she misses him dearly and thanked him for serving as a good example.

She said one to the things she learned from him is to live simply, with him reminding his children that they cannot take their worldly riches to the grave.

He also served as example in helping others, especial the needy.

He also taught his children to shun gossip, which he said was unfair to the people concerned.

She herself is now being targeted by gossip which claimed she was able to build a P30M house, but she said she will lift this up to her father and to the Lord

Her father taught her to live simply, Barretto said.

He only spent for basic needs and shunned grand birthday celebrations, she said.

She said she has taken her father’s lessons to heart and continues to live by them!

“Hello po Daddy!

Halos dalawang taon na po simula nang kayo ay makapiling na ng ating Dakilang Lumikha, pero nandito pa din po ang pangungulila.

Nais ko pong magpasalamat dahil kayo po ang isang magandang ehemplo sa maraming bagay. Ika niyo nga po at ng aming Business Management professor, “Walk the talk.”

Sa inyo po namin natutunan ang pagiging simple sa buhay. Ang palagi niyo nga pong sabi sa aming inyong mga anak ay hindi naman namin madadala sa hukay ang mga makamundong kayamanan. Kaya mag-invest sa makalangit na kayamanan at iyon po ay ang pagsasabuhay ng mga Banal na Salita ng Diyos, pagdarasal, pagsisimba, at paggawa ng mabuti sa kapwa.

Kayo po ang tunay na ehemplo ng pagseserbisyo sa kapwa at ang unang-unang kapwa na dapat ay pinagsisilbihan ay ang pamilya, kamag-anak, kapitbahay, at mga kaibigan, at mga taong nangangailangan ng tulong.

Ang isa pa pong pangaral na hindi ko makakalimutan ay ang pagsasaway niyo sa taong “nagtsisismis.” Ika niyo nga po ay “unfair” sa taong itsinitsismis kasi hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. Sa inyo at sa Diyos ko na lang po isusumbong na sa mundong aking ginagalawan ngayon bilang isang lingkod bayan ay andiyan po palagi ang tsismis. Ang isa na nga po ay ang pagpapatayo ko daw po ng halagang 30million pesos na bahay sa Batangas City. Alam niyo naman po na wala naman po akong lupa sa Batangas City. At 30 million pa daw po ang halaga ng bahay. Ang mga tao nga naman po makapanira laang kahit na walang katotohanan.

Masinop po kayo at talagang kung hindi din basic needs ay hindi pagkakagastusan. Hindi po tayo nagcecelebrate ng magarbong birthday parties dahil palagi niyo pong sabi sa amin ay pambayad sa tuition fees namin ang dapat unahin. Ang lahat po ng inyong mga aral ay aming isinasabuhay dahil kitang kita po namin sa inyong pamumuhay ang pagiging simple.

Ang pinalaki sa simpleng pamumuhay ay mananatiling simple ang pamumuhay. Maging parehas sa tao, maging matapat sa lahat ng nakakasalamuha at iyan pong inyong mga payo ang aming sinusundan.

Maraming salamat po Daddy sa pagtuturo niyo sa amin kung paano mamuhay ng naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Lagi niyo po kaming babantayan upang ang tuwid na landas ang aming laging tatahakin.

We love you and we miss you po.

Love,

Faye

*P.S. Alam ko po lahat ng mga liham at cards na ginawa namin para sa inyo ni Mommy sapul bata kami ay nakatago sa inyong drawer sa kuwarto. Naalala ko po tuloy ang wallet na ibinigay ko sa inyo na galing sa unang suweldo ko sa Jollibee, na sabi niyo po ay ayaw niyong gamitin dahil baka masira. Ganyan niyo po pinahalagahan ang aming mga ibinigay sa inyong liham, cards, at regalo, kaya ibinabalik po namin sa inyo ang pagpapahalaga magpahanggang ngayon ng inyong mga pangaral sa amin,” Barretto posted.

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.