Friday, August 19, 2022
politiko-politics-ph-logo

Love is in the air fryer! Pagsanjan Mayor Peter Trinidad has special gift for couples in mass wedding

Feb 15, 2021 @ 10:18

Pagsanjan Mayor Peter Trinidad did not let the pandemic stop love, and pushed on with hosting a mass wedding in his town, subject to health protocols, of course.

In a Facebook post, Trinidad wished the couples a life time of happiness.

And he did not let them go home empty-handed.

He gave them air fryers as gifts and said this would be beneficial for their health.

He also provided them with bibles that would serve as their guides throughout their married life.

The newlyweds can keep their hearts healthy and happy!

“???? ?? ?? ??? ??? ????? ?

Bahagi po ng ating taunang selebrasyon ng Araw ng mga Puso ay ang KASALANG BAYAN. Kaya naman kahit ngayon po ay panahon ng pandemya, atin pong sinikap na maidaos ang taunang selebrasyon na ito upang bigyang pagkakataon ang ating mga Kababayan na makapag-isang dibdib.

Hangad ko po ang pang-habambuhay na kaligayahan para sa mga bagong kasal. Kaya naman bilang tulong sa inyong paguumpisa, naglaan po ang inyong lingkod ng mga AIR FRYER bilang regalo na hindi lingid sa ating kaalaman na may magandang benepisyo sa ating kalusugan.

Nagbahagi rin po ng munting regalo ang ating Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan bilang tulong panimula at Banal na Bibliya mula sa ating Moral Recovery Office upang maging gabay ng ating mga bagong kasal sa kanilang buhay mag-asawa.

Pasasalamat po sa mga taong naging daan at bahagi ng matagumpay na pangyayaring ito. Maraming Salamat po sa ating mga Kasamahang Kawani sa Tanggapan ng Punongbayan, Serbisyong TOTOo Team, Treasury Office, Accounting Office at Municipal Civil Registrar.

Hanggang sa muli pong pagpapalitan ng “I DO” kasama ang inyong lingkod ?????‍♀️

Lagi po nating tatandaan na ang Bayan po ng Pagsanjan, atin ‘TO, Mahalin natin ‘TO.

Maraming Salamat po!

#LoveIsInTheAIRFryer ?

#SerbisyongTOTOo

#theGlorybelongstoGod,” Trinidad posted.

Politiko would love to hear your views on this...
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.