Ibaan serves the best tamales, says Mayor Joy Salvame

When people think of tamales, they know that Ibaan serves the best version, according to Mayor Joy Salvame.
In a Facebook post, Salvame said many of the resellers of Tamales source their supply from Ibaan.
One of the makers of Ibaan’s excellent tamales is Ate Susan, whom the mayor met at the market.
Ate Susan has been selling food for 15 years, and her tamales have become best sellers.
She sells a regular and special version.
The tamales have helped her support her family, and she is glad many are still buying her product.
Why not give Ibaan’s tamales a try?
“The best! na Ibaan Tamales’
Kapag narinig mo ang salitang tamales, alam mo agad na sa Ibaan lang ang pinaka-masarap na mabibilihan. Karamihan sa mga nagbebenta rin sa ibang lugar (reseller) ay may mga suki na kinukuhanan, ang iba pa nga ay inihahatid sa kanilang tindahan. Meron din naman na dumadayo pa talaga sa Palengke ng Ibaan para masiguradong maraming pagpipilian.
Isa sa nakilala kong nagtitinda sa Palengke ng Ibaan ay si Ate Susan na taga Barangay Tulay. Matagal na ang pwesto niya roon, humigit kumulang labing-limang taon, at ganun na rin siyang katagal nagtitinda ng mga kakanin. Syempre ang tamales ang pinaka-mabenta. Meron regular na tamales na mabibili sa halagang labing-limang piso at ang espesyal naman ay dalawampung piso. Ang pinag-kaiba, mas maraming laman ang espesyal at may itlog pa.
Ito ang bumubuhay sa pamilya ni Ate Susan. Mabuti naman nga at marami pa rin daw ang tumatangkilik ng tamales. Kaya para sa kanya – mula noon, hanggang ngayon talagang the best! ang Ibaan tamales.
📸✏️
Logan Javier
#HuntahanWithLogan,” Salvame posted.