Saturday, August 15, 2020
politiko-politics-ph-logo

General Luna Mayor Matt Florido reports third COVID 19 case in town

Aug 1, 2020 @ 11:47
Spread the Love

General Luna has recorded its third COVID 19 case, and Mayor Matt Florido is making known the patient’s movements for everybody’s information.

In a Facebook post, Florido said the third confirmed case is a policeman who is nevertheless asymptomatic.

The policeman, who is now under the care of the rural health clinic, decided to undergo a swab test since he visits his child regularly.

He had mostly been on duty at both the office and various checkpoints, said the mayor.

But he also visited Catanauan and Lucena.

If you suspect you’ve been a contact of the patient, check for symptoms!

“IKA-3 KUMPIRMADONG KASO NG COVID19

General Luna, Quezon

Mayroon po muli tayong bagong kumpirmadong kaso ng Covid19. ITO ANG IKATLONG KASO NG COVID19 dito sa ating bayan, General Luna, Quezon.

Kanina, mga ika 6 ng gabi ay natanggap ng ating Confirmed Case No. 3 ang tawag ng Lucena United Doctors Hospital na siya ay nagpositibo sa isinagawang SWAB Test. Agad siyang nagreport sa ating Municipal Health Officer para sa mga dapat niyang gawin na protocols.

Confirmed Case No. 3 – Siya ay isang pulis, 36 na taung gulang at naninirahan sa Brgy. 7. Sa kasalukuyan ay wala siyang sintomas, kaya itinuturing na asymptomatic. Minabuti niyang mag pa SWAB Test dahil sang-ayon sa kanya ay bumibisita siya sa anak niya. Sumailalim siya sa SWAB Test kahapon, Hulyo 30, 2020 at lumabas ang resulta ngayong hapon ng Hulyo 31, 2020. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng ating Rural Health Unit.

Base po sa kanyang salaysay at sa tala ng ating Pambayang Kapulisan, ang mga sumusunod ang kanyang aktibidades sa nakaraang dalawang linggo:

🔹️July 16 – duty sa checkpoint sa San Jose/Patrol

🔹️July 17 – duty sa opisina

🔹️July 18 – umuwi sa San Antonio, Quezon

🔹️July 19 – nasa San Antonio, Quezon

🔹️July 20 – duty sa checkpoint sa San Jose/Patrol

🔹️July 21 – duty sa opisina

🔹️July 22 – duty sa checkpoint sa San Jose/Patrol

🔹️July 23 – off duty, nasa bahay lang

🔹️July 24 – nagtungo sa bayan ng Catanauan, Quezon upang samahan ang kanyang kasamahan sa trabaho upang magpaturok ng anti-rabies vaccine

🔹️July 25 – duty sa opisina

🔹️July 26 – duty sa checkpoint sa San Jose/Patrol

🔹️July 27 – umaga ay nagtungo muli sa Catanauan, Quezon upang muling samahang magpaturok ang kanyang kasamahan sa trabaho. Pagkatapos nila doon ay tumuloy na siya papuntang Calamba, Laguna.

🔹️July 28 – nasa Calamba

🔹️July 29 – umuwi ng Gen. Luna, gabi na dumating

🔹️July 30 – nagtungo sa Lucena upang magpa SWAB Test

🔹️July 31 – nagtungo muli sa Catanauan para samahan ang katrabaho sa muling papapaturok. At pagkatapos ay dumiretso ng Lucena upang kunin ang kanyang resulta ng SWAB Test, 12:30 ng hapon dumating ng LUDH subalit wala pang resulta. Bumyahe pabalik ng General Luna, at saktong pagdating nya dito sa Barangay 7, 5:45PM kanina ay natanggap na niya ang tawag mula sa LUDH na siya ay positibo sa COVID19.

Para po sa inyong kabatiran,” Florido posted.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the Love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.